PostsChallengesPortalsAuthorsBooks
Sign Up
Log In
Posts
Challenges
Portals
Authors
Books
beta
Sign Up
Search
Profile avatar image for charles_
Follow
charles_
what is my story more than 140 characters
21 Posts • 30 Followers • 1 Following
Posts
Likes
Challenges
Books
Profile avatar image for charles_
charles_

21. musang

sa napakaraming sandali ng buhay,

ni isang beses ay hindi ko inisip na ang ilan dito

ay hihilingin ko na sana maging guni-guni

marahil ang pagtatagal sa mundo

ang nagpakampante sa mga sandaling aking tatahakin

sigurado ang lahat ng kasiguraduhan

kaya naman, nagpatuloy na lang

sa mga gawaing nakasanayan, na parehong payapa at masaya

kailangan ng espiritung madilim at balisa

nahahanap lagi ang nais na katahimikan

sa daigdig na puno ng alingawngaw, na minsan ay hindi inaasahan

salamat na lamang sa paggising ng aking diwa

hindi maikakaila ang pagpapalit ng pahina

ng henerasyong hindi natin hawak sa palad, kaya dapat tanggapin

at ibuhos ang kakayahan sa mga bagay na makabuluhan

aking alaga na mayumi

wala ka man sa aking piling para samahang masaksihan ang dulo

luluha na lang sa tuwing litrato ay titingnan

Profile avatar image for charles_
charles_

20. marso-abril

Sa tuwing akala ko huli na, gumon na hindi pa

Iniibig kong hindi ka na maisip, galit lang ang naaalala

Bakit ko ba nasabi ’yon, labis na ulos lamang ang dala

Wala man lang dagok galing sa akin, kahit nakakayamot ka na

Nagkataong nadikit sa’yo, sana habambuhay kitang nilagpasan

Ang pagkakaibigang ito, minsan labag sa kalooban

Tunay ngang hindi sa Disyembre ang ligaya matatagpuan

Masakit na gunita lang ang nakukuha sa buwan

Hindi mo man lang ba naisip ang aking nadarama

O baka naman ako’y nakakaabala

Pasensya ka na, sino nga ba naman ako, ’di ba

Ayaw nga namang kausapin ang walang kwenta

Profile avatar image for charles_
charles_

19. labing-walo

Kung ako man ay tanungin,

pagod na ako sa paulit-ulit

na kaanyuan ng buhay

na nananakit ng damdamin

Tunay na nakapagtataka

ang tulak-hatak na bugso;

nakamamangha

na hindi ito humihinto

Ilang beses na narinig

na mayroong halaga

ngunit ilang beses na rin

muntik mabalewala

Minsan, parang wala na sa lugar

ang mga nararamdaman;

wala namang karapatan

gumamit ng tipaan

Kaya naman

parang lagi na lang nakasabit,

naghihintay

na tapusin na

Ngunit, kailanman

hindi ko inabot ang dulo;

siguro masaya

ang maglaro ng iba

Pero sino ba naman ako

para magsalita,

kahit isang tanong lang

ang kailangan para maliwanagan na

Laging nangunguna ang takot

at tatanggapin na lang

na kahit alam kong mahirap,

sa huli ay sasamahan ka

Paumanhin sa buhay na maraming mukha

kung saan ang bawat isa ay tumatangis;

sana magkaroon ng pagkakataon

na ikaw lang ang nakaharap sa akin

Profile avatar image for charles_
charles_

18. el flechazo

Ang kaligirang hangin ay lumalamig,

ang init ng ligaya ay wala na.

Kung dati, abot nito ang kahit anong panig,

ngayon, ipinagkakait ko na.

Tapang-tapangan, harap-harapan,

laging sinasabi na ikaw ang pangarap.

Ang sukdulang pagsaklob ay dahan-dahan,

dahil hindi mo maisip na ikaw ang hinahanap.

Kung maririnig ko sa iyo ang salamat,

sa taon mo ba, ako ay nababagay?

Kung maiintindihan mong ikaw ang nararapat,

magiging parte ba ako ng iyong buhay?

Tunay na nawawalan na ako ng bait,

ang natatangi nating pagkakaiba.

Sana alala mo pa ang pagmamalasakit,

sana ito na ang sa atin mag-isa.

Ang makamundong pagtataksil

ang sinisimbolo ng dahlia.

Ngunit ako lang ang kinikitil,

ako lang naman ang pumalya.

Profile avatar image for charles_
charles_

17. gumon

Diyan ka lang naman sa screen, laging nakikita

Habang nakikinig sa klase, nakatingin sa’yong mukha

Wala na akong laging inaabangan pa

Dumadating ang dulo na nasa isip ka

Nais ko sanang mapalapit sa’yo

Ilang beses ko na pinipilit gawin ’to

Subukin man ngunit nahihiya ako

Palagi na lang pagbagsak ang inaabot ko

Tama na siguro na ngayon lang naglapit

Dose na ng gabi, hindi alam kung saan kakapit

Kanta na lang ang pusong nagaalumpihit

Todo na ang pagkawalay sa dating mahigpit

Suliranin lang ’to, isang panaginip

Profile avatar image for charles_
charles_

16. mapoot na pagsasalita

Sa bawat pag-usbong ay agad hinahantungan. Pilit na tinatabunan, kahit mukha na itong pinagtapal-tapal, ang intensyon ng dilim ay naroon pa rin. Ngunit, may nagbabantang pagsisisisi. Sa huli, ang sarili ay makararamdam ng tuliro. Malamang, may pag-ikot sa ehe. Ang bilog na dating pamilyar, lalagpas din sa linyang nakasanayan. Sa gulat, bubuka na lang ang bibig at ang mga mata ay… mananatili pa rin namang mga mata. Saglit lang ang pagluwa pero babalik pa rin naman. Ang mga ito ay bagong karamdaman. Ni hindi ko rin alam kung paano.

Ewan ko ba. Ako lang naman ang laging unang sumasagot sa iyo. Hindi rin pala maganda na masyado kitang kilala. Alam ko kasi, masasaktan ka. Magtataka ka, bakit walang gustong tumugon sa iyong paghinggil? Pero, minsan napapaisip ako. Nakakapagod din pala, ang sagutin ka. Mahirap talaga kalimutan ang nakaraan. Hindi pagkakaibigan ang tingin kong namamagitan sa atin. Hindi ko maipaliwanag. Kaya naman, inilalayo kita sa akin. Kailangan kong isantabi ang saya. May hatid pa ring poot, hindi lamang lingid sa paningin. Sabi mo, huwag ko sanang isipin na ako ay iyong ginagamit. Pero, ganoon talaga ‘eh. Ito ka, ito ako. Kakausapin ka, para masigurado kong hindi ka magbabago. Alam kong hindi ka na tulad ng dati, pero naiisip ko ’yung sinayang na oras. Dapat hindi na ko na lang sa iyo itinuon, dahil sa huli ay babalewalain mo rin pala. Masakit talaga. Kunwari na lang, biruan. Hindi na kasi ako makapag-isip ng iba pang paraan kung paano ipapaalam sa iyo na ayaw ko na. Oo, hindi ko maikakaila ang mga dala mong ngiti. Ngunit, ngingiti pa rin ba ako kahit ang nakaraan ay may dalang bubog? Matalas, tagos sa lamang-loob, dinidiin pa para mas lalo kong maramdaman. Gusto na kitang makita. Sa salitan ng tingin, malalaman ko kung ano ang opinyon ko ng pagkatao mo. Maaaring lumalim tayo sa mga nakalipas na buwan, pero desisyon ko kung tatapusin kung ano ang mayroon. Hindi naman na talaga tayo dapat aabot dito, pero bakit ganito? Isang sulyap lang ang kailangan para sabihing pinuputol na kita mula sa buhay ko. Oo, biglaan. Sa akin mo maririnig na kahit ano pa ang ginawa mo para sa akin, ibabalik ko lang sa iyo kung paano mo iginilid ang mga ginawa ko para sa iyo. Buhos nang buhos, buhos nang buhos. Akala mo hindi nauubos. Tanga. Para kasing ginagago mo ako. Bakit kasi hindi mo ako pinigilan? Alam kong may mali, pero bakit hinayaan mo lang? Hindi ka ba nagsasawa? Subalit mayroon kang dahilan kung bakit hindi mo tinapos. Ano? Masaya ba? Tangina. Lagi na lang sapul sa langit. Lagi na lang bulag na dumidinig. Sa aking pagtigil ay magkakaroon ng tanong. Nasaan ka na? Anong nangyari? Putragis ka, hindi ko alam. Nakakulong ako, kasi alam mo na hawak mo ang lahat. Ang mga tao, ang paligid, lahat sabay-sabay habang iniipit mo ako sa leeg. Nagpapanggap kang hindi mo ginagawa. Kasi, masusunod ka. Ang pinta na naman sa akin ay masama. Hindi ako naghahanap ng kaawaan, sinasabi ko lang ang totoo. Iba’t ibang mukha na ang nagamit ko sa mahabang panahong tayo ay magkasama. Babasagin ko ang lahat. Hahayaan kitang tumanaw sa itim na walang hangganan. Ito ang aking sarili, walang laman. Pero minsan ba pumasok sa utak mo na ganito ako? Wala na talaga akong pinagkukunan, ubos na. Plastikan na lang talaga. Sa huli, maaari kong sabihin na itong lahat ay isang intrusyon lamang. Pinapalala ko lang para maganda pakinggan. Hindi ako naniniwala na nasa akin ang mali, nasa iyo. Kahit anong maskara pa ang iyong iharang, lalabas pa rin ang iyong tunay na kulay. Kulay ka ng tae. Walang sawang pag-alingasaw ng ugali, peke ka. Isa lang ang masasabi ko, marunong gumanti ang buhay. Sana hindi mo mamalayang unti-unting dumadanak ang dugo mula sa iyong katawan. Hangad ko ang iyong pighati, mas ikasasaya ko ang iyong kamatayan. Dahil sa lahat ng pag-ibig na inalay ko, dapat makita kitang nakalibing sa lupa, naka-ataul at inuulanan. Maraming salamat, hiling ko na ang huli mong gagawin ay pagpikit. Huwag na huwag ka nang didilat, sayang lang sa oras. Paalam, makamit mo sana ang iyong huling hininga.

Hindi ako manghihinayang.

Profile avatar image for charles_
charles_

15. Passe

be my awakening

Hindi ko alam kung paanong ikaw ang nagustuhan ko, alam kong may paninira kang ginawa sa akin. Ano nga ba ang pinagbatayan ko noon? Nalapit ako sa iyo, kahit may kapalit na sakit. Bakit ko iyon tiniis? Tanga ba ako? Anong kinain ko para makabuo ng desisyon na may kasamang paghihirap? Mabuti na lang ako ay umalis na.

cause of my suffering

Noong una, hindi ko naman sineseryoso. Kahit ngayon pa rin naman, kapag inaalala ko, wala talaga akong malinaw na intensyon. Pero, naramdaman ko na kailangan kitang kasama. Hindi ko alam kung bakit, pero kapag may gusto akong mangyari ay dapat mangyari. Sa huli, ako lang mag-isa. Sayang lang pala kasi malayo ka rin.

like what is happening

Masasabi ko bang nagbago buhay ko dito simula nang pumasok ako? Parang hindi naman. May pumukaw lang sa akin na nasa iyo, pero wala na iyon ngayon. Mabilis talaga ako magsawa. Tinigilan ko na agad kasi alam kong walang patutunguhan. Kaya naman hindi ako nasaktan ng isang tao. Napakatalino ko talagang tao, ano?

just experimenting

At nasaktan na nga. Sobrang bobo lang kung iisipin, bakit ko dinamdam? Sa tingin ko ba dati ay iyon na ang pinakaimportanteng bagay na mangyayari sa akin?Ang daming nawala, bakit ko hinayaan maganap iyon? Pero ayos lang ako, isang parte lang naman, pero sa kabuuan ay maayos ako? Tatanggapin ko ba na maayos ako?

really accepting

Ang babaw pero doon kita nagustuhan? Napakabilis naman ng pagbuo ng mga damdamin ko para sa iyo. Patay, bukas, ang pakikisama natin sa isa’t-isa. Masaya ako na nagbago ka na, hiling ko na lang para sa iyo ay mahanap mo ang gusto mo. Sabi ko nga, titingnan kita hanggang mainggit ako. Ganoon talaga, tiis-tiis lang.

good thing

Ikaw na, huli ka na yata. Wala na yatang susunod, kung magkikita-kita pa tayo ay baka mayroon. Komportable, para akong hinehele. Kaya napapaisip ako, ano ba talagang gusto ko sa iyo? Sa ngayon, gusto ko kapag may natatamasa ka sa buhay. Salamat, kasi patuloy mo akong tinatanggap. Magpahinga ka muna, hihintayin kita.

charles

Ngayong binabasa ko lahat, wala akong malinaw na direksyon sa pag-ibig. Ginagawa ko lang pampalipas-oras, pampagana. Masaya na ako sa kumpanya ko, pero sana, isang beses sa isang taon, may dadating na gugulo ng buhay ko, para naman may alaalang maiiwan kapag nalalapit na ang media noche. Sino na kaya ang susunod?

Profile avatar image for charles_
charles_

14. Teoryang Kinetiko

Sa tuwing walang natatanggap

Na mga salita sa iyo

Sa mga ganitong panahon

Ay napapaisip ako

Tunay ba tayong magkalapit

Kinukuwestiyon ko ang pagkapit

Ano nga ba ang basehan

Ng halaga ng ating pinagsamahan

Mga titing ng hangin inihahalintulad

Sa paghabol sa iyo at paglakad

Sa lupa, mga paa ko ay nakababad

Ito ang teoryang kinetiko, aking ilalahad

Sa patuloy na paggalaw ng mundo

Sa patuloy na paglipas ng oras

Sa patuloy na pagiba ng paligid

Maaalala mo pa ba, mga ating dinanas?

Katotohanang hindi ko hawak

Ngunit hindi mapapagod baguhin

Ang magulong kapalaran

Na isasang-ayon ko sa atin

Profile avatar image for charles_
charles_

13. Humanidades

Sipnayan

Sa pagpikit, sa pagdilat

Nahahawakan ang iyong balat

Dalawa lamang tayo

Mag-isa, sa mahabang pasilyo

Sabay tayong lalakad at gugunitain

Kung saan tayo nagsimula ay aalalahanin

Dumadaan ang dilim sa aking paningin

Isa na ba itong masamang pangitain?

Sa mga letra, salita ang ating umpisa

Mga mensahe ko sayo ay tuwi-tuwina

Ngunit parang mga numero’y sumama

Maiintindihan ka ba tulad ng matematika?

Ingles

Sa bawat baitang, ramdam ang puwersa

Para bang konsensya ay pinagisa

Ako ba ay ikaw o ikaw ay ako ba?

Sa panandalian ay kalimutan muna

Sa parang ay iikot tayo nang maraming beses

Tanda ko pa nagkita tayo sa isang Biyernes

Nagkita nga ba tayo o ako’y nalinlang na?

Teka, ito ba ay katotohanan pa?

Bahala na, basta’t kasama kita

Umupo muna tayo sa kalsada de liha

Parang may gusto akong sabihin

Ngunit paano mo ito iintindihin?

Filipino

Napagpasyahan ko na umuwi muna tayo

Habang pinagiisipan ang isasambit ko

Sa sarili kong wika bubuuin

Bakit nauutal pa rin?

Sa piling ko ay naparirito ka

May hinihingi pa ba akong iba?

Pagiging kuntento ay kailan kaya

Hindi ko pa ba makita na ito ay sapat na

Lumalapit na tayo sa ating destinasyon

Ako’y nakararamdam ng altapresyon

Bakit mayroon akong obligasyon?

Ipahiwatig sayo, aking mga emosyon

Aglipunan

Blag! Aray!

Natutulog lang pala ako

Bakit naman napaglaruan

Binato ng frisbee, aking puso

Profile avatar image for charles_
charles_

12. Labi ng Dalawa.

Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam ang dapat maramdaman sa tuwing nakikita ka. Pilit kong tinatanggal sa isip na gusto kita, kasi mali. Pero isang hibla lang naman iyon ng aking puso. Madaling kalimutan, pero hindi madaling matanggal. Ngayon, alam ko namang hanggang dito lang talaga tayo. Isang taon na ang nakalipas, kaya naman siguro naiintindihan ko na. Nais ko na lang sanang bumitaw sa pagkakakapit. Ngunit ang mga kamay ko ay may sariling buhay. Sila na mismo ang lumalaban. Ayos lang naman sa akin, hindi naman ako apektado kapag sila ay nasasaktan. Gusto ko na lang ialay itong mensahe na ito sa iyo. Labindalawa, parang bilang ng buwan sa isang taon. Gusto ko lang na may pagtatapos, kaya ito na nga tinatapos ko na. Marami na ring dumating sa buhay ko, pero ikaw yata ang pinakamasayang nakasama ko. Sabi ko nga, salamat. Wala naman ako sinabing puputulin ko na, pero baka lang maputol kaya inihahanda ko na lang din ang sarili ko. Ito na.

Pinakamaalala ko ang iyong mga labi

Hindi lang dahil sa mga simple nitong ngiti

Pero dahil na rin sa iyong mga sinasabi

Kahit hindi ko man makita dahil sa linyang humahati

Iba ang pakiramdam ng pandemya

Gusto ko lang na may kasama

Ang mga labi mo ay masilayan, gusto ko na

Una kong gagawin ay yayakapin ka

Ipapaalam ko na rin na may dalawang klase

Ang mga labi na lumalaban umikot man sa ehe

At ang mga nagpapatahimik, pampalutang sa ere

’Yung una lang ang naranasan ko sa iyo, kaya naman eh

Nasabi mong marunong kang makiramdam, paano

Naging taas-taasan ka parang ehekutibo

Minsan naguusap tayo tungkol sa ehersisyo

Nagpapatahimik lang ang may pero

Sampu

Dalawampu

Tatlumpu

Apatnapu

Limampu

Sa totoo lang, wala na akong maisip. Ayun lang naman ang gusto kong sabihin. Sa susunod na araw, linggo, buwan, taon, hindi ko na alam. Maghihintay na lang ako ng tutupad ng mga pangarap ko. Kung meron man.