PostsChallengesPortalsAuthorsBooks
Sign Up
Log In
Posts
Challenges
Portals
Authors
Books
beta
Sign Up
Search
Profile avatar image for charles_
charles_

12. Labi ng Dalawa.

Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam ang dapat maramdaman sa tuwing nakikita ka. Pilit kong tinatanggal sa isip na gusto kita, kasi mali. Pero isang hibla lang naman iyon ng aking puso. Madaling kalimutan, pero hindi madaling matanggal. Ngayon, alam ko namang hanggang dito lang talaga tayo. Isang taon na ang nakalipas, kaya naman siguro naiintindihan ko na. Nais ko na lang sanang bumitaw sa pagkakakapit. Ngunit ang mga kamay ko ay may sariling buhay. Sila na mismo ang lumalaban. Ayos lang naman sa akin, hindi naman ako apektado kapag sila ay nasasaktan. Gusto ko na lang ialay itong mensahe na ito sa iyo. Labindalawa, parang bilang ng buwan sa isang taon. Gusto ko lang na may pagtatapos, kaya ito na nga tinatapos ko na. Marami na ring dumating sa buhay ko, pero ikaw yata ang pinakamasayang nakasama ko. Sabi ko nga, salamat. Wala naman ako sinabing puputulin ko na, pero baka lang maputol kaya inihahanda ko na lang din ang sarili ko. Ito na.

Pinakamaalala ko ang iyong mga labi

Hindi lang dahil sa mga simple nitong ngiti

Pero dahil na rin sa iyong mga sinasabi

Kahit hindi ko man makita dahil sa linyang humahati

Iba ang pakiramdam ng pandemya

Gusto ko lang na may kasama

Ang mga labi mo ay masilayan, gusto ko na

Una kong gagawin ay yayakapin ka

Ipapaalam ko na rin na may dalawang klase

Ang mga labi na lumalaban umikot man sa ehe

At ang mga nagpapatahimik, pampalutang sa ere

’Yung una lang ang naranasan ko sa iyo, kaya naman eh

Nasabi mong marunong kang makiramdam, paano

Naging taas-taasan ka parang ehekutibo

Minsan naguusap tayo tungkol sa ehersisyo

Nagpapatahimik lang ang may pero

Sampu

Dalawampu

Tatlumpu

Apatnapu

Limampu

Sa totoo lang, wala na akong maisip. Ayun lang naman ang gusto kong sabihin. Sa susunod na araw, linggo, buwan, taon, hindi ko na alam. Maghihintay na lang ako ng tutupad ng mga pangarap ko. Kung meron man.