PostsChallengesPortalsAuthorsBooks
Sign Up
Log In
Posts
Challenges
Portals
Authors
Books
beta
Sign Up
Search
Profile avatar image for demichelsy
demichelsy

MAHALAGA

Ayaw kong maging mahalaga.

Hindi ako antigong salamin na matagal mo nang pag aari na tinitignan mo lang para ipaalala sa sarili mong maganda ka.

Ayaw kong maging mahalaga.

Hindi ako telepono mong dudukutin lang sa bulsa kapag kailangan mo ng solusyon sa kawalan mo ng koneksyon sa mundo mong masyado nang malawak para bigyang atensyon ka pa.

Ayaw kong maging mahalaga.

Hindi ako kuwintas na isusuot mo lang sa piling piling mga okasyon kapag mayroong mga sitwasyon na pakiramdam mo ay kulang ka pa.

Hindi ako para ibalik sa loob ng isang kahon kapag natutulog ka na sa gabi, sa takot na masakal ka sa yakap ko kapag mahimbing ka na..

Ayaw kong maging mahalaga.

Ang gusto ko ay mahalin.

Ang kailangan ko ay mahalin

Kailangan kong mahalin mo ako gaya ng kape mo sa umaga - tanggap ang tamis at pait,

Kailangan para sa init

Pero hindi isinasantabi dahil lang nanlamig na.

#poem